Wednesday, September 16, 2009

Happy Meal

dati, pag linggo, tradisyon na ng pamilyo namin na pumunta sa simbahan at dumirecho sa mall.
gustong gusto ko talaga yun!
kasi pag pumunta kami sa mall siguradong may dala dala akong happy meal pag-uwi namin.

mahilig kasi kami kumain sa Jollido at McBee (hindi ko pwede sabihin ang totoong pangalan ng mga tindahan dahil hindi ko naman sila sponsor! showbiz!) at sigurado na papapiliin na ako ni nanay ng bagong laruan. naaalala ko, lagi kong kumpleto lahat ng mga laruan galing sa mga kainan na yun! mula sa mga disney characters hanggang sa mga tumblers na hindi ko naman nagamit at hindi ko na alam kung saan napunta, meron ako nun lahat dati, DATI!

lahat ng mga laruan ko galing sa mga happy meal na yun nakadisplay sa sala namin dati, katabi ng 14" naming black and white na telebisyon, . parang tinitinda sa pagkakaayos at pagiging malinis.

hindi ko na maalala kung ilang taon ako nung natigil ang pagbili namin ng happy meal sa fastfood chains na yun. hindi ko din maalala kung anoang dahilan. siguro hindi ko na din hilig habang lumalaki ako o nagiging barat lang talaga si nanay habang tumatanda ako hindi ko talaga alam.

"Ikaw, anong naaalala mo pag narinig mo ang happy meal?"

1 comment:

  1. Hays, naalala ko tuloy yung mga toys namin..ang hilig bumili ng nanay ko ng happy Meals sa McDo. before kc, pangit mga toys sa Jollibee e..(oik lng banggitin name nila,bayad ako diyan.lol) di na ako kid nung maganda na mga toys nila.hehehe

    until now, nagagalit parin nanay ko kapag naalala niya yung mga nawala namin na toys..hehehe

    tagal na pro bitter parin..hahaha

    ReplyDelete