Showing posts with label alaalangbata. Show all posts
Showing posts with label alaalangbata. Show all posts

Monday, September 5, 2011

Ako'y Nagbalik Upang Maghatid

Mula sa dalawa't kalahating taon ng pagkawala, ako'y bumalik upang magkwento ng napakarami pang istorya ng ating kabataan.

Tulad ng mga puno, may panahon ng taglagas (at hindi ito ang nasa ulo ni PNoy).
Pero katulad din ng panahon, ang puno'y muling magiging hitik sa halaman at sa kinalaunan ay mga bulaklak na magiging prutas sa hinaharap.

Binubuksan ko muli ang aking bahay sa internet para ikwento nanaman ang mga alaala ng ating kabataan.
ang mga panahong tayo ay mang-mang at walang ibang inatupag kundi maglaro.

Nagkaroon din ng bahagyang "make-over" ala Mother Ricky Reyes ang aking bahay para patuluyin ang aking mga kaibigang uhaw sa paggunita sa nakaraan!
Samahan mo ulit ako sa pagbalik-tanaw sa ating nakaraan!

Tara!
Tuloy na ang ligaya!

Bata

Monday, September 28, 2009

NANG MA-KIDNAP AKO

naalala ko nung bata ako, tuwang tuwa ang mga kaibigan ng nany ko sa akin. kasi daw mukha kong mayaman na bata. MUKHA LANG!

noong bata pa kasi ako, sobrang puti ko at mukha akong si Buddah, eh kasi naman may lahi akong intsik, kaya ganun talaga. magtaka ka pag intsik ako pero mukha akong bumbay, kailangan magpaliwanag ni nanay pag nangyari yun.

ito ang dalawa sa maraming kwento ng nany ko, baka kasi pag nagkwento ako ng lahat, abutin tayo ng isang araw.

noong bata ako, mga dalawa o tatlong taon pa lang ako, lagi akong dinadala ng nanay ko sa aming shop. araw araw daw dumadaan yung mag-asawang nakakotse na ilang taon na hindi magkaanak, lagi daw sila humihinto sa shop namin para lang makita ako at sabihin na
"ang cute talaga ng anak mo ate, sana pag nagkaanak kami ganyan din ka-cute!"
syempre palakpak tenga lagi ang nanay ko, pero may halo nang kaba, kasi daw baka isang araw kidnappin ako ng mag-asawang yun.

yung isa namang dalaga, nakatira malapit sa bahay namin. pag hapon at pauwi sya galing sa trabaho, lagi siyang dumadaan sa bahay namin para magbigay sa akin ng isang box ng donut. walang tigil daw yun sabi ng nanay ko. araw-araw. hanggang isang araw, nawala ako sa labas habang kumukuha ng tubig sa loob si nanay.natakot si nanay, nagkatotoo na yata ang kinakatakutan nya. hanggang sa nalaman nya na dinala pala ako nung dalaga sa bahay nila para ipakita ako sa nanay nya. simula nun binantayan na ako lagi ni nanay. kasi naman super cute ko kasi! (wag na umangal, totoo naman eh!)

"Ikaw? na-kidnap ka na ba?" haha

Thursday, September 10, 2009

Mano po!

Habang umuulan at umiinom ako ng tsokolate-Ah, naalala ko nung bininyagan ako... (at hindi yung binyag na iniisip mo, masyadong berde ang utak mo!) ang binyag na sinasabi ko ay yung binyag sa simbahan.

naalala ko kasi yung kwento ng nanay ko, nung bininyagan daw kasi ako, nagmamadali yung Pari, kasi may majong session daw sya.

yun yung sabi ng nanay ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung totoo yun o hindi,
hindi ko na din naisip na tanungin.

ang alam ko lang marami akong ninong at ninang!
mas marami pa sa isang basketball team sa dami.
karamihan ay mga kaibigan ng nanay ko, mangilan lang ang galing sa tatay ko.
siguro ay mas madaldal at mas ma-PR ang nanay ko kaya mas maraming nahakot na ninong at ninang hehe *labyu nay!*

ang ninong at ninang daw ang nagsisilbing pangalawang magulang, pero para sa akin, hinahanap ko lang sila sa dalawang okasyon bawat taon -- sa birthday ko at pasko.

nagmimistula silang mga anghel sa mga panahaong nagpapakita sila sa mga okasyong yan, parang anghel din na mahirap makita.

naalala ko dati, pumunta ang mag-asawa kong ninong at ninang sa bahay namin.
Tuwang tuwa ako kasi disyembre na, malapit ang pasko, e di nakaabang na ako para sa regalo nila. mas na-excite ako nang makita ko na may dalang maliita na paper bag ang ninong ko, alam ko regalo yun para sa cute na bata... *ehem ako yun!*

tuwang tuwa akong nagmano sa kanila nung pumasok sila ng bahay, sabay abot sa akin ng bag, nagpasalamat ako sabay karipas ng takbo papuntang kwarto para tignan ang laman ng bag.

nagpanganga ako sa laman,
isang set ng plato , baso, kutsara't tinidor, mas lalo pa akong napatanga ng nakita ko ang design, tadtad ng HELLO KITTY!

"EH HULING PAGKAKAALAM KO LALAKI AKO AH!" nasabi ko bigla sa sarili ko.
binalik ko sa bag ang mga pink na kubyertos at bumababa.

Pagbaba ko, tanong agad ang ninong ko, "GANDA NG REGALO NAMIN NOH?"
gusto ko sana sabihin na "OPO, MAGANDA!... PAG BABAE AKO, EH PROBLEMA LALAKE AKO, HINAYUPAK KA!" pero ang nasabi ko lang ay isang mahinang "SALAMAT PO!"

naalala ko din yung peborit kong ninang, peborit ko yun kasi kapitbahay lang namin, kaya walang kawala sa birthday at pasko. ayos!

maganda lagi regalo ng ninang ko, niregaluhan nya ako dati ng isang malaking box ng matchbox cars, mahigit isang daang piraso ng maliliit ng kotse, niyabang ko sa mga kaibigan ko, pag-uwi ko, ayun, nangalahati.

last na regalo na naibigay nya ay yung shorts at damit na terno, may design na robot tapos umiilaw, de-baterya. ang ganda nun! umiilaw! pero pagkatapos ko suotin, nilabhan ni nanay, ayun, nakalimutan tanggalin yung ilaw at baterya, eh di sira.

pagkatapos nun, nagkasakit na si ninang, pagkatapos ng isang taon gumaling.
nagulat na lang kami, bigla siyang kinuha ni BRO (Bro, enjoy na lang kayo dyan ni ninang ah, laro laro muna kayo dyan ng taguan o bahay-bahayan! ayos!)

"ikaw ano ang naaalala mo sa ninong at ninang mo?"

Saturday, September 5, 2009

Kapanganakan ng Alaala ng Bata

Ito ang una kong pagsulat.
isipin mo na lang na ito ang aking kapanganakan.
birthday kumbaga, Setyembre 5, taong 2009.

Tulad ng kapanganakan ng blog na ito, ganito din ang kapanganakan ng ko.
ang paghihintay ng nanay ko sa aking paglabas sa mundo, siyam na buwan nya rin ako hinintay.
akala mo'y parang may bulkang biglang sasabog matapos ang pang siyam na buwan.. ganun din naman nung ginawa, may bulkang sumbog din.
quits quits lang, parang cycle lang.

bakit ko nga ba naisip gumawa ng blog na ito???
naalala ko bigla ang aking kabataan kasi,
ang mga panahong ako ay may lampin pa,
panahong tumutulo pa ang uhog sa aking ilong patungo sa akin bibig.
Sarap!

simula ngayon, mararanasan nyo na kung ano ang mga tumatakbong mga kaisipan at tanong sa utak ko. mga paggugunita sa nakaraan at pagtanaw sa hinaharap. pero hindi ako manghuhula. si madamme auring na lang bahala sa mga ganung klase ng hinhaharap.



sana ay sundan nyo ako sa pag-alala sa aking pagkabata.
ATING PAGKABATA.
ALAALA NG BATA.


mula sa laruan hanggang sa choknut, ating sariwain ang ating kabataan. kahit man lang sa paggunita ay maalala natin, na isang beses sa ating buhay, naging bata tayo. batang walang mangmang sa mundo. bata na ang tanging alam ay maglaro ng maglaro.