naalala ko nung bata ako, tuwang tuwa ang mga kaibigan ng nany ko sa akin. kasi daw mukha kong mayaman na bata. MUKHA LANG!
noong bata pa kasi ako, sobrang puti ko at mukha akong si Buddah, eh kasi naman may lahi akong intsik, kaya ganun talaga. magtaka ka pag intsik ako pero mukha akong bumbay, kailangan magpaliwanag ni nanay pag nangyari yun.
ito ang dalawa sa maraming kwento ng nany ko, baka kasi pag nagkwento ako ng lahat, abutin tayo ng isang araw.
noong bata ako, mga dalawa o tatlong taon pa lang ako, lagi akong dinadala ng nanay ko sa aming shop. araw araw daw dumadaan yung mag-asawang nakakotse na ilang taon na hindi magkaanak, lagi daw sila humihinto sa shop namin para lang makita ako at sabihin na
"ang cute talaga ng anak mo ate, sana pag nagkaanak kami ganyan din ka-cute!"
syempre palakpak tenga lagi ang nanay ko, pero may halo nang kaba, kasi daw baka isang araw kidnappin ako ng mag-asawang yun.
yung isa namang dalaga, nakatira malapit sa bahay namin. pag hapon at pauwi sya galing sa trabaho, lagi siyang dumadaan sa bahay namin para magbigay sa akin ng isang box ng donut. walang tigil daw yun sabi ng nanay ko. araw-araw. hanggang isang araw, nawala ako sa labas habang kumukuha ng tubig sa loob si nanay.natakot si nanay, nagkatotoo na yata ang kinakatakutan nya. hanggang sa nalaman nya na dinala pala ako nung dalaga sa bahay nila para ipakita ako sa nanay nya. simula nun binantayan na ako lagi ni nanay. kasi naman super cute ko kasi! (wag na umangal, totoo naman eh!)
"Ikaw? na-kidnap ka na ba?" haha
Monday, September 28, 2009
Wednesday, September 16, 2009
Happy Meal
dati, pag linggo, tradisyon na ng pamilyo namin na pumunta sa simbahan at dumirecho sa mall.
gustong gusto ko talaga yun!
kasi pag pumunta kami sa mall siguradong may dala dala akong happy meal pag-uwi namin.
mahilig kasi kami kumain sa Jollido at McBee (hindi ko pwede sabihin ang totoong pangalan ng mga tindahan dahil hindi ko naman sila sponsor! showbiz!) at sigurado na papapiliin na ako ni nanay ng bagong laruan. naaalala ko, lagi kong kumpleto lahat ng mga laruan galing sa mga kainan na yun! mula sa mga disney characters hanggang sa mga tumblers na hindi ko naman nagamit at hindi ko na alam kung saan napunta, meron ako nun lahat dati, DATI!
lahat ng mga laruan ko galing sa mga happy meal na yun nakadisplay sa sala namin dati, katabi ng 14" naming black and white na telebisyon, . parang tinitinda sa pagkakaayos at pagiging malinis.
hindi ko na maalala kung ilang taon ako nung natigil ang pagbili namin ng happy meal sa fastfood chains na yun. hindi ko din maalala kung anoang dahilan. siguro hindi ko na din hilig habang lumalaki ako o nagiging barat lang talaga si nanay habang tumatanda ako hindi ko talaga alam.
"Ikaw, anong naaalala mo pag narinig mo ang happy meal?"

Thursday, September 10, 2009
Mano po!
Habang umuulan at umiinom ako ng tsokolate-Ah, naalala ko nung bininyagan ako... (at hindi yung binyag na iniisip mo, masyadong berde ang utak mo!) ang binyag na sinasabi ko ay yung binyag sa simbahan.
naalala ko kasi yung kwento ng nanay ko, nung bininyagan daw kasi ako, nagmamadali yung Pari, kasi may majong session daw sya.
yun yung sabi ng nanay ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung totoo yun o hindi,
hindi ko na din naisip na tanungin.
ang alam ko lang marami akong ninong at ninang!
mas marami pa sa isang basketball team sa dami.
karamihan ay mga kaibigan ng nanay ko, mangilan lang ang galing sa tatay ko.
siguro ay mas madaldal at mas ma-PR ang nanay ko kaya mas maraming nahakot na ninong at ninang hehe *labyu nay!*
ang ninong at ninang daw ang nagsisilbing pangalawang magulang, pero para sa akin, hinahanap ko lang sila sa dalawang okasyon bawat taon -- sa birthday ko at pasko.
nagmimistula silang mga anghel sa mga panahaong nagpapakita sila sa mga okasyong yan, parang anghel din na mahirap makita.
naalala ko dati, pumunta ang mag-asawa kong ninong at ninang sa bahay namin.

Tuwang tuwa ako kasi disyembre na, malapit ang pasko, e di nakaabang na ako para sa regalo nila. mas na-excite ako nang makita ko na may dalang maliita na paper bag ang ninong ko, alam ko regalo yun para sa cute na bata... *ehem ako yun!*
tuwang tuwa akong nagmano sa kanila nung pumasok sila ng bahay, sabay abot sa akin ng bag, nagpasalamat ako sabay karipas ng takbo papuntang kwarto para tignan ang laman ng bag.
nagpanganga ako sa laman,

isang set ng plato , baso, kutsara't tinidor, mas lalo pa akong napatanga ng nakita ko ang design, tadtad ng HELLO KITTY!
"EH HULING PAGKAKAALAM KO LALAKI AKO AH!" nasabi ko bigla sa sarili ko.

binalik ko sa bag ang mga pink na kubyertos at bumababa.
Pagbaba ko, tanong agad ang ninong ko, "GANDA NG REGALO NAMIN NOH?"
gusto ko sana sabihin na "OPO, MAGANDA!... PAG BABAE AKO, EH PROBLEMA LALAKE AKO, HINAYUPAK KA!" pero ang nasabi ko lang ay isang mahinang "SALAMAT PO!"
naalala ko din yung peborit kong ninang, peborit ko yun kasi kapitbahay lang namin, kaya walang kawala sa birthday at pasko. ayos!
maganda lagi regalo ng ninang ko, niregaluhan nya ako dati ng isang malaking box ng matchbox cars, mahigit isang daang piraso ng maliliit ng kotse, niyabang ko sa mga kaibigan ko, pag-uwi ko, ayun, nangalahati.
last na regalo na naibigay nya ay yung shorts at damit na terno, may design na robot tapos umiilaw, de-baterya. ang ganda nun! umiilaw! pero pagkatapos ko suotin, nilabhan ni nanay, ayun, nakalimutan tanggalin yung ilaw at baterya, eh di sira.
pagkatapos nun, nagkasakit na si ninang, pagkatapos ng isang taon gumaling.
nagulat na lang kami, bigla siyang kinuha ni BRO (Bro, enjoy na lang kayo dyan ni ninang ah, laro laro muna kayo dyan ng taguan o bahay-bahayan! ayos!)
"ikaw ano ang naaalala mo sa ninong at ninang mo?"

Saturday, September 5, 2009
Unang Chocnut..
naalala ko bigla ang unang kong chocnut...
maliit pa ako nun natikman ko ang 'hersheys' ng Pinas.
akala ko dati ay gawa lang sa mani ang chocnut, kasi hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng chonut.. nut lang alam ko, mani nga.. kaya pala may choc sa unahan ng chocnut ay dahil tsokolate pala yun.
siguro ay pag sanay ka sa mga imported na tsokolate at tinikman mo bigla ang chocnut ay tiyak maguguluhan ka sa lasa... hindi kasi ito kasinglasa ng tipikal na tsokolate ng ibang bansa... pero pag nasanay na ang iyong dila sa chonut, siguradong hindi mo na titigilan ang pagkain nito.
"ikaw anong naaalala mo pag naririnig mo ang 'chocnut'?

Kaya yata ako tumaba dahil sa pagngatam ng mamisong chocnut na binibili ko kay aleng mabait sa aming kalsada dati.
ako: *tutuktok ng barya sa tindahan* pabili po...
ale: ano yun?
ako: *tutuktok ulit ng barya* tsoknat po...
ale: ilan?
ako: isa po...
pagkabayad ay uuwi.. pero hindi pa nakakauwi ay ubos na kaya babalik ulit sa tindahan..

ale: ano ulit yun?

paulit ulit yung nangyayari hanggang sa maasar yung natitinda sa paisa-isa kong pagbili.
naalala ko dati, pinapagalit ako pag nasosobrahan na ako sa kinakain kong chocnut,
masama daw kasi sa katawa sabi ng nanay ko..
pero hindi ko mapigilan eh..
lumipas ang taon, marami nang gumaya sa paborito kong tsoknat..

nandyan ang hany o hani... naku, wala pa ring tatalo sa chocnut ko.
"ikaw anong naaalala mo pag naririnig mo ang 'chocnut'?
Kapanganakan ng Alaala ng Bata
Ito ang una kong pagsulat.
isipin mo na lang na ito ang aking kapanganakan.
birthday kumbaga, Setyembre 5, taong 2009.
Tulad ng kapanganakan ng blog na ito, ganito din ang kapanganakan ng ko.
ang paghihintay ng nanay ko sa aking paglabas sa mundo, siyam na buwan nya rin ako hinintay.
akala mo'y parang may bulkang biglang sasabog matapos ang pang siyam na buwan.. ganun din naman nung ginawa, may bulkang sumbog din.
simula ngayon, mararanasan nyo na kung ano ang mga tumatakbong mga kaisipan at tanong sa utak ko. mga paggugunita sa nakaraan at pagtanaw sa hinaharap. pero hindi ako manghuhula. si madamme auring na lang bahala sa mga ganung klase ng hinhaharap.

quits quits lang, parang cycle lang.
bakit ko nga ba naisip gumawa ng blog na ito???
naalala ko bigla ang aking kabataan kasi,

ang mga panahong ako ay may lampin pa,
panahong tumutulo pa ang uhog sa aking ilong patungo sa akin bibig.
Sarap!
simula ngayon, mararanasan nyo na kung ano ang mga tumatakbong mga kaisipan at tanong sa utak ko. mga paggugunita sa nakaraan at pagtanaw sa hinaharap. pero hindi ako manghuhula. si madamme auring na lang bahala sa mga ganung klase ng hinhaharap.
sana ay sundan nyo ako sa pag-alala sa aking pagkabata.
ATING PAGKABATA.
ALAALA NG BATA.
mula sa laruan hanggang sa choknut, ating sariwain ang ating kabataan. kahit man lang sa paggunita ay maalala natin, na isang beses sa ating buhay, naging bata tayo. batang walang mangmang sa mundo. bata na ang tanging alam ay maglaro ng maglaro.
Subscribe to:
Comments (Atom)